Mangangalap at magsasanay ng isangdaang libong (100,000) construction workers ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa “Build, Build, Build” program ng Duterte administration.
Ayon kay TESDA Director General Guiling ‘Gene’ Mamondiong, partikular na magmumula ang mga sasanayin nilang manggagawa mula sa grupo ng mga mahihirap, indigenous people, at rebel returnees sa buong bansa.
Ang mga magsisipagtapos aniya sa kanilang ‘training’ ay kukunin para tumulong sa pagpapatayo at pagpapagawa ng mga tulay, kalsada, gusali at iba pang mga infrastructure projects ng gobyerno.
Ayon kay Mamondiong, ilan sa mga pangunahing layunin ng ‘Build, Build, Build’ program ng gobyerno ay maresolba ang problema sa matinding trapiko at mabigyan ng trabaho ang libo-libong Pilipino.
(Ulat ni Gilbert Perdez)