Muling nanawagan si United Nations Secretary General Antonio Guterres sa mga world leaders na itigil na ang paggawa at huwag nang umasa sa mga nuclear weapons.
Sa kanyang talumpati sa conference on disarmament sa UN Complex sa Geneva, sinabi Guterres na marami pa ring bansa ang naniniwala na mas ligtas ang mundo sa paggawa ng nuclear weapons.
Giit ng UN Chief, dapat nang magkaisa ang lahat ng bansa para tuluyan nang ma-abolish ang paggawa ng nuclear weapons.
Samantala, inihayag ng mga ambassadors mula sa US, China at France na malabo ang panawagan ni Guterres na nuclear disarmament.
—-