Pinagbabato ng putik ng grupong People’s Surge ang tahanan ni dating Pangulong Noynoy Aquino III sa Times Street sa Quezon City kahapon.
Ayon sa grupo, sinisingil nila ang dating Pangulo sa kapabayaan nito dahil hindi pa rin kumpleto ang mga pabahay at relokasyon para sa mga biktima ng Super Bagyong Yolanda hanggang sa matapos ang termino nito nuong 2016.
Naglagay din ng putik sa kanilang mukha at katawan ang mga nagprotesta na nasa lima hanggang 10 sa kabuuan upang ipakita na lugmok pa rin ang mga Yolanda survivors sa kahirapan halos limang taon na ang nakalilipas.
Ipinaalala rin ng grupo sa dating Pangulo ang anila’y bigong pangako ng dating Pangulo sa mga pamilya ng mahigit 6,000 nasawi dahil sa nangyaring trahedya nuong 2013.
RPE