Federal-Presidential System ang dapat maging porma ng pamahalaan ng Pilipinas alinsunod na isasagawang Cha-Cha o Charter Change.
Ito ang naging rekomendasyon ng binuong Con-Com o Consultative Committee sa ginawa nilang botohan kahapon sa pamumuno ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno.
Siyam ang bumoto pabor sa pag-aadopt ng Federal-Presidential System; isa naman ang bumoto para sa Parliamentary System samantalang walo naman para sa Hybrid Semi-Presidential System habang dalawa naman ang hindi nakadalo.
Sa ilalim ng rules ng Con-Com, kailangang makabuo ng sampung boto bilang majority votes ng lahat ng mga miyembro maliban na lamang kung mayruong mga lumiban sa mismong araw ng botohan.—RPE