Naghahanda na ang Senado para sa impeachment proceeding kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, babalangkas ang mga mambabatas ng Articles of Impeachment na kailangang aprubahan ng plenaryo na kalauna’y isusumite sa Senado para sa trial.
Ito’y kung makakita ang House Justice Committee ng probable cause sa mga reklamong inihain laban kay Sereno sa isasagawang botohan sa susunod na linggo.
Isinasapinal na anya ng Senate Lawyers ang impeachment rules sakaling magsimula ang impeachment proceedings.
Ipinunto ni Pimentel na maigi ng paghandaan ang posibilidad na magkaroon ng impeachment trial habang naka-leave ang punong mahistrado.
RPE