Halos 400 mga pulis na ang nasisibak sa serbisyo dahil sa iba’t ibang kaso simula noong 2016.
Batay ito sa tala ng Philippine National Police – Directorate for Personnel and Records Management o (PNP-DPRM) kung saan 167 sa mga ito ay may kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Ilan din sa mag kinahaharap na mga kaso ng mga nasabik na pulis ay ang Absence Without Official Leave (AWOL), rape, murder, homicide, parricide, grave misconduct, robbery extortion, kidnapping at illegal detention.
Bukod dito, umaabot naman sa 1,002 pulis ang naparusahan sa nakalipas na dalawang taon dahil din sa iba’t ibang kaso.
Una nang sinabi ng National Police Commission (NAPOLCOM) na karamihan sa mga nasibak na pulis ay may problema sa pamilya
Krista de Dios / Jonathan Andal / RPE