Hindi nakikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa proseso ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang iginiit ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa gitna na rin ng lalapit na botohan ng Kamara at napipintong pag-aakyat ng Articles of Impeachment laban kay Sereno sa senado.
Ayon kay Alvarez, independent ang Kamara de Representates sa proseso nito sa impeachment complaint at iginiit na nakabatay ito sa kanilang nakukuhang mga ebidensya sa pagdinig.
Nakatitiyak naman si Alvarez na mai-aakyat sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay Sereno dahil sasapat aniya ang bilang ng super majority ng Kongreso.
Krista de Dios / Jill Resontoc / RPE