Kinakailangang isailalim na sa State of Calamity ang isla ng Boracay.
Ito ang iginiit ni Interior and Local Government Officer in Charge Eduardo Año para mapabilis ang pagsasa-ayos ng nasabing isla.
Ayon kay Año may mga pangambang baka hindi magtagumpay ang rehabilitasyon ng Boracay kung mananatiling normal ang operasyon ng mga negosyo doon.
Gayunman nilinaw ni Año na bagamat anim na buwan ang kanilang panukalang State of Calamity, dalawang buwan lamang ipasasara ang mga negosyo sa Boracay.
Sa ilalim din aniya ng State of Calamity magagamit ng national at local government ang kani-kanilang calamity fund at maaari ring makatanggap ng donasyon mula sa ibang bansa para magamit sa pagsasa-ayos ng isla,
Samantala, tuloy naman ang imbestigasyon ng DILG sa mga local na opisyal Boracay at nagbantang sisibakin ang mga mapatutunayang nagpabaya rito.
Krista de Dios / Jonathan Andal / RPE