Umapela si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga kawani ng hudikatura na ipagpatuloy lamang ang kanilang trabaho.
Ginawa ng punong mahistrado ang nasabing pahayag sa kaniyang talumpati sa 25th National Convention ng Regional Trial Court Clerks Association of the Philippines kahapon.
Binigyang diin ni Sereno, lalaban siya ng patas hindi lamang para sa kaniyang sarili kung hindi para na rin sa buong hudikatura sa harap ng naka-umang na impeachment trial laban sa kaniya sa Senado.
Ito ang pinakahuling public engagement na dinaluhan ng punong mahistrado bago ang kaniyang indefinite leave na nakatakdang magsimula ngayong araw.
Jaymark Dagala / Bert Mozo / RPE