Kinumpirma ng pambansang pulisya na nasawi nga ang isang kawani ng Kampo Crame makaraang maturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Supt. Dominic Guevarra ng Philippine National Police (PNP) Hospital, nagtatrabaho bilang isang utility worker ang 29 anyos na biktima na naturukan nuong Disyembre ng nakalipas na taon.
Gayunman, nilinaw ni Guevarra na wala pa namang kumpirmasyon kung may kinalaman nga ang nasabing bakuna sa pagkasawi ng hindi pinangalanang pasyente.
Batay sa pinakahuling datos ng PNP General Hospital, pneumonia ang itinuturong sanhi ng pagkamatay ng nasabing kawani ng general headquarters ng pulisya.
Jaymark Dagala / Jonathan Andal / RPE