Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga nakaposte nang tauhan ng Philippine Marines para magbantay sa Philippine Rise o Benham Rise
Ito ang inihayag ng Pangulo sa isinagawang turn-over ng Bahay Pag-Asa Phase 2 sa barangay Mipaga, Marawi City kahapon
Una nang inatasan ng Pangulo ang Philippine Navy na barilin ang sinumang dayuhan na mangangahas pumasok sa Philippine Rise na walang abiso o permiso mula mismo sa pamahalaan ng Pilipinas
So dito sa Philippine Rise, Yan atin talaga yan, may pinadala na ako doon na marines isang batalyon, sinabi ko talaga na walang mag eexperiment na dyan, hangga’t wala silang permiso na galing sa akin, but the Armed Forces will have to recommend it, otherwise no.” Pahayag ni Pangulong Duterte
Kasunod nito, tiniyak din ng Pangulo na sisiklab ang digmaan sakaling may mga dayuhang mangingisda na mangangahas pumasok sa naturang karagatan dahil malinaw ang sovereign rights ng Pilipinas sa Benham na isang continental shelf.
I will not allow fishing, magka-giyera tayo, basta yan dyan kung ano ang sa ating economic zone and ating territorial pati na yung, alam mo kasi yung parang contin na sinabi nila, continental shift yan, so sa ilalim nyan, bukid yan, ito lang yung lumutang kaya kung hanggang saan yan kung bukid eto yung Pilipinas paganon tapos tubig na dito pag umabot doon sa San Francisco atin yan, kunin natin sabihin natin sa mga Amerikano huwag kayong magloko loko dyan”. Pahayag ni Pangulong Duterte
RPE