Target linisin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lahat ng mga barangay sa bansa mula sa iligal na droga pagsapit ng taong 2022.
Ayon kay PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino, mayruon pang nalalabing 24,400 mga barangay ang nananatiling drug infested pa rin sa kasalukuyan.
Magagawa lamang maisakatuparan ang paglilinis dito ayon kay Aquino kung magagawa nilang malinis ang 6,000 barangay kada taon hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa tala ng PDEA, nasa 5,300 pa lamang ang nalilinis at naidedeklarang drug free mula sa kabuuang 42,000 mga barangay sa bansa.
Jaymark Dagala / Jonathan Andal / RPE