Kinalma ng Malakaniyang ang publiko kaugnay ng posibleng joint exploration ng Pilipinas at China sa mga natural resources sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ligal ang naturang hakbang dahil malinaw naman ang Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas sa naturang karagatan.
Mali rin ani Roque ang pagka-unawa ng mga kritiko ng administrasyon na posibleng magkaroon ng co-ownership sa naturang karagatan ang Pilipinas at China.
Hindi hahayaan ng Pilipinas ang anumang hakbang tulad ng exploration sa nasabing karagatan kung ito’y solong gagawin lamang ng China at maging ng iba pang claimant countries sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
RPE