Ikinalugod ng Malakanyang ang paglantad ni Agnes Tuballes, ang tumulong sa OFW na si Joanna Demafelis na makapunta ng Kuwait.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tama lamang ang ginawang pagsuko ni Tuballes bago pa man ikasa ng pulisya ang manhunt operation laban sa kanya.
Dagdag ni Roque, makatutulong ang paglantad ni Tuballes para masagot ang ilang katanungan sa kaso ni Demafelis tulad na lang aniya ng biglang pagpapalit ng employer nito pero hindi naireport sa Philippine Overseas Employment Association (POEA).
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahanap sa recruiter ni Demafelis para masagot ang ilang mga katanungan sa kaso ng pagkamatay nito.
“There will be many questions that she has to answer, sino ba talaga dapat ang employer nyan, bakit parang nagkapalitan ng employer na hindi naman naireport sa POEA, alam mo ang istraktura kasi ngayon ng POEA bago ka umalis dapat may aprobadong kontrata na napirmahan at hindi dapat nababago yung mga partido sa kontrata at nakapag tataka na parang dito sa kaso ni Ms. Demafelis eh parang nabago yung employer dapat natin malaman at magkaroon ng kasagutan itong mga ganitong bagay bagay.
Krista de Dios/ Jopel Pelenio / RPE