Pa – plantsahin na ng mga opisyal mula sa Pilipinas at Kuwait ang isang kasunduan na titiyak sa kaligtasan ng mga OFW sa banyagang bansa.
Ayon kay Labor Undersecretary Claro Arellano , nakatakda ang pakikipagpulong nila sa mga opisyal ng Kuwait dito sa Maynila sa susunod na linggo.
Kinumpirma din ni Arellano na naisapinal na nila ang draft ng bilateral agreement na ilalatag nila sa mga opisyal ng Kuwait.
Kabilang sa mga kondisyon na hihilingin nila sa mga Kuwaiti Employer ang pagpapahintulot sa mga OFWS na hawakan ang kanilang sariling pasaporte at paggamit ng cellphone.
Ngunit giit ni Labor Secretary Silvestre Bello the Third, dapat pa ring siguruhin na mapapanagot ang mga pumatay kay Joana Demafelis.
RPE