Target nang isubasta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Hunyo ang mga sasakyang mahigit isang taon nang na-impound.
Ayon kay atty. Cesar Ona , head ng Towing and Impounding Group ng MMDA , ikinakasa na nilang isubasta ang mga sasakyan na nasa wala nang tumutubos sa mga sasakyan.
Karamihan sa mga ito ay pribadong sasakyan , tricycle at mga taxi.
Tinatayang nasa halos apat na Milyong Piso ang kikitain ng pamahalaan sa mga isusubastang sasakyan.
RPE