Sang-ayon ang Malakaniyang na magsagawa ang Kongreso ng balasahan o baguhin ang komposisyon ng National Food Authority (NFA) Council.
Ito’y matapos na matuklasang iisa lamang ang kinatawan ng magsasaka sa 18 miyembro ng konseho.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang aniyang mali sakaling magdesisyon ang Kongreso na bigyan ng mas malakas na boses ang sektor ng magsasaka sa ahensya.
Inamin din ni Roque na mayorya sa mga nakaupo sa NFA Council ay mga economic managers ng pamahalaan.
Gayuman, tiniyak umano ng mga ito na kanilang uunahin ang kapakanan ng mga magsasaka sa bansa.
Sa isinagawang pagdinig ng Kamara ukol sa isyu ng kakulangan ng suplay ng NFA Rice napansin na walang kinatawan ang Department of Agriculture (DA) sa NFA Council habang iisang magsasaka lang ang kasama sa konsehong pinamumunuan ngayon ni Secretary to the Cabinet Jun Evasco.
RPE