Tinututukan ngayon ng pambansang pulisya ang mga dahilan kung bakit hidni umuwi ng Pilipinas ang Pinay Overseas Worker na si Joanna Demafelis.
Ito’y ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay makaraang mapaso o ma-expire na ang kontrata ni Joanna nuong 2016.
Kahapon, kinumpirma ng PNP na wala na sa kanilang kostudiya ang umano’y recruiter ni Demafelis na si Agnes Tuballes.
Ayon kay Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU) Director Supt. Roque Merdeguia, wala namang kaso na nakasampa laban kay Tuballes at hindi naman nila ito itinuturing na suspek kaya’t hinayaan na lamang nilang maka-alis ito.
Gayunman, tiniyak ni Merdeguia na alam nila kung saan hahagilapin si Tuballes at nangako aniya ito na makikipagtulungan sa kanila kasabay ng ginagawa nilang imbestigasyon.
Magugunita nuong Nobyembre ng nakalipas na taon nang mapaulat na nawawala si Demafelis hanggang sa matagpuan ito nitong Pebrero na nakasilid na sa freezer ng kaniyang amo sa Kuwait at isa nang malamig na bangkay.
Jaymark Dagala / Jonathan Andal / RPE