Pinayuhan ng Malakaniyang si United Nation Special Rapporteur Agnes Callamard na maghanap na lamang ito ng bansang tatanggap sa kaniya para mag-imbestiga.
Ito ang binigyang diin ng palasyo kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga militar at pulis na huwag sasagutin ang pagtatanong ng mga UN Rapporteur at ilang kawani ng media.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala silang katiwa-tiwala kay Callamard dahil mayruon na agad itong hatol kahit hindi pa man nag-uumipisa ang pagsisiyasat nito.
Kasunod nito, binigyan din ng bagsak na grado na singko ni Roque si Callamard kaya’t maituturing na hindi ito kapani-paniwala kung ito ang magiimbestiga sa drug war ng administrasyon.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Roque na hindi naman nila itinuturing na Personan Non Grata si Callamard subalit sadyang hindi lang aniya ito kapani-paniwala at wala nang kredibilidad.
Jaymark Dagala / Jopel Pelenio / RPE