Dapat patunayan ng China na sila ay dapat pagkatiwalaan.
Ito ang reaksyon ng Palasyo sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS)kung saan mas pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino ang Amerika at Japan kumpara sa China na kamabutihan ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bago pa lamang ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China kaya’t marapat lamang aniya na bigyan ito ng panahon.
Naniniwala rin si Roque na kung tutuparin ng China ang kanilang pangakong hindi magkakaroon ng bagong reklamasyon at bagong mga artificial islands ay tiyak na magbabago ang tingin ng ating mga kababayan.
Matatandaang nakakuha lamang ng positive 7 percent na tiwala sa mga Pilipino ang China sa SWS survey kumpara sa 75 porsyento ng mga Pinoy na tiwala sa Amerika.
RPE