Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA sa mga lisensiyadong recruitment agencies at medical clinics laban sa pekeng online registration system.
Batay sa advisory ng POEA, hindi aprubado ng Department of Health ang sistema na nag-oobliga sa mga aplikante na magbayad ng registration fee na nagkakahalaga ng 10 US dollars para sa pre-employment medical examination ng mga Overseas Filipinos Workers o OFWs.
Sinasabing ang online system ay pinatatakbo ng Gulf Cooperation Council Ministry of Health.
Subalit binigyang diin ng DOH na hindi pinapayagan ng medical facilities for overseas workers and seafarers ang nabanggit na online scheme.