Patuloy na makararanas ng mainit na panahon ang bansa ngayong weekend.
Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng mauulap at minsanang mahihinang pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAG-ASA, posibleng umabot sa 35 degrees celsius ang average na temperatura sa buong bansa habang inaasahan naman ang hanggang sa 33 degrees celsius na temperatura sa Metro Manila at 15 degrees celsius sa Baguio City.
Patuloy naman makaaapekto sa panahon sa malaking bahagi ng bansa ang easterlies o hanging amihan.