Tiwala si House Committee on Justice Chair Reynaldo Umali na mako-convict si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanyang kinakaharap na impeachment case.
Ayon kay Umali, hindi dapat na magpaka-kampante si Sereno na maipapanalo nya sa Senado ang kanyang kaso dahil mas malaki aniya ang paniniwala ng mga mambabatas na mapatatalsik sya sa pwesto.
Pahayag ng Kongresista, malakas ang kanilang ebidensya kaugnay sa isyu ng lagpak na grado ni Sereno sa psychiatric exam matapos ang naging testimonya ng isa sa mga psychologist na tumestigo sa house inquiry.
Matatandaang kamakailan lamang hinamon ni Sereno ang mga kongresista na iakyat na sa Senate impeachment court ang kanilang complaint kung talagang may hawak silang matibay na ebidensya.
Draft sa Articles of Impeachment laban kay CJ Sereno sinumulan na
Sinimulan na ng House Committee on Justice ang pag draft sa Articles of Impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na i a akyat sa Senado.
Ipinabatid ito ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali na nagsabi ring ang pag draft ng articles of Impeachment ay bahagi ng agenda ng pulong ng legal team ng panel nuong isang linggo.
Ayon kay Umali mahalagang mabatid ang porma, apat na grounds o basehan sa pag impeach kay Sereno.
Sa Huwebes nakatakdang bumoto ang House Justice panel kaugnay sa probable cause sa impeachment complaint laban sa punong mahistrado.
Judith Estrada-Larino/ Jopel Pelenio / RPE