Ipinagmalaki ng Malakaniyang ang anitoy magandang bunga ng mga repormang ipinatutupad ng Duterte Administration.
Kasunod na rin ito ng pagtukoy ng US News sa tulong ng World Bank Group sa Pilipinas bilang Top 1 sa mga bansang pinakamainam paglagakan ng investment.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar maging ang foreign investors ay malaki ang tiwala sa Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t patuloy ang pagganda ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Andanar na kabilang sa mga naging basehan ng US News ang entrepreneurship, economic stability, favorable tax environment, innovation. Skilled labor, technological expertise, dynamism at ant- corruption drive ng administrasyon.
Sumunod sa Pilipinas sa naturang survey ang mga bansang Indonesia, Poland,Malaysia, Singapore, Australia, Spain, Thailand, India, Oman, Czech Republic, Finland, Uruguay, Turkey, Ireland, Netherland, United Kingdom, Brazil, France at Chile.
RPE