Nagkakasakit na ang karamihan sa mga preso sa loob ng Manila City Jail dahil sa siksikan at sobrang init na nararanasan.
Ito ang inihayag ni Manila City Jail Spokesperson Sr. Insp. Jerex Bautista.
Ayon kay Bautista umaabot na sa 30 mga inmates ang nasa infirmary matapos makaranas ng pagmamanas ng kanilang binti, ma-high blood at magka sakit sa baga.
Batay sa kasalukuyang tala ng bilang ng mga preso sa nabanggit na piitan, mayroong higit 5,400 ang nakakulong dito ngunit ang kapasidad ng piitan ay 1,100 lamang.
Matindi umanong kalbaryo ang dinadanas ng mga bilanggo dahil sa init ng panahon at siksikang preso.
Nauna nang sinabi ni Manila Jail Warden Jail Supt. Randel Latoza, na magsasagawa ang kanilang hanay ng screening upang matingnan ang kalagayang pangkalusugan ng lahat ng bilanggo sa Manila City Jail.