Tinanggap na umano ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang pagbibitiw ng Management Information System Office Chief ng High Tribunal na si Carlos Garay.
Ayon sa source ng DWIZ, nagsumite ng kaniyang liham pagbibitiw si Garay sa Supreme Court en banc epektibo noon pang Pebrero 28.
Magugunitang isa si Garay sa mga tumestigo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachment hearing ng House Justice Committee.
Iginiit ni Garay sa kaniyang testimoniya na kinontra nito ang pagtanggap sa IT expert na si Helen Macasaet bilang consultant ng SC para sa enterprise information systems plan.
Magugunitang inamin ni Macasaet sa pagdinig ng Kamara na tumatanggap siya ng suweldo mula sa SC ng P250,000 kada buwan o katumbas ng 11 milyong piso sa kabuuang apat na taon.
—-