Hindi kailanman papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim sa imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC.
Kaugnay ito ng isinasagawang preliminary investigation ng ICC hinggil sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa oath taking ceremony ng mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission, iginiit ng Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa kanya at sa kanyang tauhan para imbestigahan hinggil sa war on drugs.
“You cannot acquire jurisdiction over me, not in a million years, that has always been my weapon ever since, they cannot ever hope to acquire jurisdiction over me, hindi nga ako maniwala sa nanay ko, sa kanila pa.” Ani Pangulong Duterte
Una rito, muling tiniyak ni Pangulong Duterte na magpapatuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal droga hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.
“Maniwala ang human rights o hindi, it is not my business to do their bindings, I have a duty to perform and worse I made it a solemn promise, so the war against drug will continue with or without the ICC, with or without the human rights, with or without the politicians, it will last until the last day of my term as President, after that wala na akong pakialam.” Pahayag ng Pangulong Duterte
—-