Nananatili ang panganib ng pagputok ng bulkang Mayon.
Nilinaw ito ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Director Renato Solidum matapos nilang ibaba sa alert level 3 mula sa alert level 4 ang estado ng bulkan.
Ayon kay Solidum, hindi nawawala ang panganib ng pagputok ng bulkan subalit lumiit ang tiyansa na mangyari ito, base sa pagbaba ng mga aktibidad ng bulkan sa nagdaang mga araw.
Sa ngayon ay nakabalik na aniya sa kani kanilang tahanan ang mga evacuees.
Balik na rin sa anim na kilometro ang danger zone maliban sa ilang bahagi ng southwest northeast side ng Mayon kung saan pitong kilometro ang deklaradong danger zone.
(Ratsada Balita Interview)