Naniniwala ang Malakanyang na nais ng European Union (EU) na magpatuloy ang maayos o normal na relasyon sa Pilipinas matapos magkaloob ang E.U. tulong para sa drug rehabilitation program ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng napagtanto ng E.U. na hindi naman maaaring laging na lamang nilang binabatikos si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa giyera kontra droga.
Maaari anyang naisip din ng E.U. na kung talagang nais nilang magkaroon ng magandang ugnayan sa Pilipinas ay dapat din nilang suportahan ang drug campaign ng administrasyon sa halip na panghimasukan at sabihing nagkaroon ng human rights violation.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ng Palasyo sa ayudang ipinagkaloob ng nabanggit na international organization na aabot sa 240 Million Pesos para sa rehabilitation program ng mga sumukong drug personality.
-Jopel Pelenio