Binanatan ng naka-bakasyong si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang padalos-dalos na mga hakbang ng Administrasyong Duterte.
Ito’y sa kabila ng kanyang kinakaharap na impeachment sa Kongreso at Quo Warranto petition sa Korte Suprema.
Sa kanyang talumpati sa Saint Scholastica’s College sa Maynila bilang bahagi ng Women’s Day, hindi naiwasan ni Sereno na batikusin ang tunay na estado ng bansa kung saan ang mga kalaban ng mayorya ay ang karaniwang target ng harassment
Ipinunto rin ng punong mahistrado ang kahalagahan ng transparency na dapat pairalin saanmang ahensya ng gobyerno.
“Hindi po maaring padalos dalos ang galaw, hindi po pwedeng ang mga aksyon ay panay mga bira lamang pagkat ang konstitusyon ay nagsasabi sa atin na palakasin ang mga institusyon ng demokrasya, ang mga institusyon ng transparency at accountability, huwag pahinain ito, may straktura at pamamaraan kung paano ipapamalakad ang transparency at accountability, gawin ito ng tama”.