Pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na silipin ang kaniyang bank account.
Sa talumpati kagabi sinabi ng Pangulo na nakahanda siyang bumaba sa kaniyang pwesto sa oras na makita ng grupong pinamumunuan ni Dante Jimenez na lumagpas sa 40 Milyong Piso ang laman ng kaniyang bangko.
Hinamon din ng Pangulo ang publiko na kung mayruon umano silang kapatid na nagta trabaho sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay buksan na lamang ang kaniyang bank account.
Hindi rin pinalagpas ni Pangulong Duterte ang akusasyon ni Senador Antonio Trillanes na nasa mahigit 200 Milyong Piso umano ang pera niya sa banko.
Ayon sa Pangulo malinaw lamang na isang “fishing expedition” ang ginagawa ng Senador.