Nakitaan ng sapat na batayan ng House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Tatlumpu’t walo (38) na miyembro ng komite ang bumoto na mayroong sapat na batayan ang reklamo laban kay Sereno samantalang dalawa (2) lamang sa katauhan nina Representative Kaka Bag-ao at Kit Belmonte ang nagsabing wala itong basehan.
Reps.Kaka Bag-ao at Kit Belmonte lang ang bumoto kontra sa probable cause ng Sereno impeachment complaint @dwiz882 pic.twitter.com/d04D9sp54m
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) March 8, 2018
Kabilang sa mga grounds na nakitaan ng sapat na batayan ng komite ang culpable violation of the constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.
Psychological records of Sereno will be used as evidence in the impeachment trial-Umali @dwiz882 pic.twitter.com/4OjFzrfzf4
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) March 8, 2018
Kaugnay nito, inaasahang mailalatag na at pagbobotohan ang committee report kung saan nakapaloob ang articles of impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa susunod na linggo.
Agad bumuo ang House Committee on Justice ng maliit na grupo sa loob ng komite upang ihanda ang committee report at ilatag ito sa komite sa Miyerkoles, March 14.
Ayon kay Congressman Reynaldo Umali, Chairman ng komite, pagbobotohan ito sa komite sa araw ding yun upang agad na maisumite sa plenaryo para pagbotohan ng lahat ng miyembro ng Kongreso.
Sampung araw ang nakalaan para sa plenaryo para mapagbotohan ang articles of impeachment laban kay Sereno.
(Ulat ni Jill Resontoc)