Kinundena ng Makabayan Bloc ang umano’y iregular na proceeding ng House Committee on Justice sa pagtukoy sa probable cause ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Iginiit ng Makabayan na iregular at walang “due process” ang naging proseso dahil hindi naman tinalakay isa-isa ang mga alegasyon laban sa punong mahistrado.
Dito anila makikita kung talagang may sapat na batayan para itulak ang impeachment complaint sa Senado.
Gayunman, walang napatunayan ang komite sa mga alegasyong inihain ni Atty. Larry Gadon at sa katunayan ay hindi kumpyansa ang complainant na mapapatalsik si Sereno dahil ito pa mismo ang nanawagan na magbitiw ang punong mahistrado.
-Jill Resontoc / RPE