Dapat nang magpa-psychiatric evaluation si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang hamon ni United Nations High Commissioner on Human Rights Zeid Ra’ad al Hussein kay Pangulong Duterte sa gitna ng mga banat nito sa ilang UN official na pumupuna sa war on drugs ng gobyerno.
Ayon kay Zeid, hindi nila mapalalampas ang mga pag-atake ni Pangulong Duterte kay UN special rapporteur on extra-judicial killings Agnes Callamard na binantaan pang sasampalin ng Punong Ehekutibo.
Maka-ilang beses nang binabatikos ng UN ang pinaigting na kampanya kontra droga o ‘Oplan Tokhang’ ng Duterte administration kung saan nasa 4,100 drug suspect na ang napapatay.
#BREAKING Philippine president needs ‘psychiatric evaluation': UN rights chief
— AFP news agency (@AFP) March 9, 2018