Dapat ng seryosong ikunsidera ng Commission on Elections ang paghahanap ng ibang supplier o contractor ng mga makinang gagamitin sa 2019 midterm elections.
Ito, ayon kay Senator Ping Lacson, ay makaraang isiwalat ng kasamahan na si Senador Tito Sotto ang panibagong iregularidad umano sa 2016 elections gamit ang mga Vote Counting Machine (VCM) ng SMARTMATIC.
Hindi anya ito ang unang pagkakataon na na-kuwestyon ang integridad ng SMARTMATIC at hindi na rin dapat baliwalain ang panibagong alegasyon na nagkaroon ng iregularidad sa resulta ng halalan noong 2016.
Samantala, inihayag din ni Lacson na wala pang naka-aalam kung makapagpapabago sa ranggo ng mga kumandidato at nanalong Senador noong 2016 sa sandaling lumitaw sa Senate Investigation na minanipula ang resulta ng eleksyon.
-Cely Ortega-Bueno