Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay kapangyarihan sa ilang piling opisyal ng Philippine National Police na mag-issue ng subpoena basta’t na-aayon sa kanilang iniimbestigahang kaso.
Sa Republic Act 10973 na nilagdaan noong Marso 1, maaari ng mag-issue ng Subpoena Duces Tecum at ad Testificandum ang P.N.P. Chief, Director at Deputy Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) .
Gayunman, hindi maaaring ipasa o ipagkatiwala sa ibang opisyal, tauhan at tanggapan ng P.N.P. ang pag-i-issue ng subpoena.
Maaari namang makasuhan ng indirect contempt sa Regional Trial Court ang sinumang lalabag sa subpoena.
PNP-CIDG kumbinsidong bibilis ang imbestigasyon sa mga kaso dahil sa RA 10973
Kumpiyansa ang PNP-CIDG na bibilis na ang imbestigasyon nila sa mga kaso makaraang bigyan sila ng kapangyarihan na mag-issue ng subpoena.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 1 ang Republic Act 10973 na nagpapahintulot sa PNP Chief, CIDG Director at Deputy Director na magpalabas ng subpoena.
Ayon kay P.N.P.-C.I.D.G. Chief, Dir. Roel Obusan, bukod sa lalong bibilis, mas magiging demokratiko at lehitimo na rin ang kanilang mga imbestigasyon.
Maiiwasan na rin anya nito ang mga pagdududa na may mga kinukuhang kung anu-anong gamit ang mga raiding team na nagpapatupad ng search warrant.
Ibinabala naman ng CIDG sa mga hindi susunod sa kanilang subpoena na maaaring patawan ang mga ito ng contempt at ikulong ng hanggang isang buwan.
CIDG Dir Roel Obusan, tiwalang mapabibilis ang proseso ng kanilang mga imbestigasyon ngayong may kapangyarihan na silang makapag-issue ng subpoena @dwiz882 pic.twitter.com/ddkaJlbt2U
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 9, 2018
-Jopel Pelenio / Jonathan Andal