Hindi minasama ni Sen. Bongbong Marcos ang hakbang ni Pangulong Noynoy Aquino na mag-isyu ng executive order na nagpapalawig sa buhay ng Bangsamoro Transition Commission.
Subalit, kinuwestiyon ni Marcos kung ano pa ang mga gagawin o magiging trabaho ngayon ng naturang komisyon.
Paliwanag ni Marcos, nasa kamay na ng mga mambabatas ang bola dahil sila na ngayon ang humihimay at mag-aapruba sa nabuo nilang bersiyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Giit pa ni Marcos, ngayong may nabuo nang sariling bersiyon ang kongreso at senado ay wala nang papel dito ang transition commission.
By: Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)