Hinihikayat ng Estados Unidos ang mga Pilipinong estudyante na mag-aral sa mga unibersidad sa kanilang bansa.
Sa kanyang pagdalo sa Third Education USA Fair sa Maynila, sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na ang pag-aaral sa Estados Unidos ay hindi lamang makapagpapaigting sa pagkakaibigan ng dalawang bansa gayundin ang mas mataas na bentahe na makakuha ng magagandang trabaho.
Dagdag ni Kim, kanyang inaasahan na mas darami pa ang mga estudyanteng Pilipino na mag-aaral sa Estados Unidos kasunod na rin ng pagdami ng mga interesado sa kanilang mga higher education institutions.
Batay aniya sa kanilang tala, mahigit tatlong libong (3,000) mga Pilipinong estudyante ang nag-aral sa Estados Unidos noong nakaraang taon, mas mataas ng 4.2 percent na naitala noong 2016.
—-