Hindi pa napag-uusapan ng kampo ni Fighting Senator Manny Pacquiao kung sino ang kanyang tatayong coach sa kaniyang laban kontra sa Argentianian Boxer na si Lucas Matthyse.
Ito ang inihayag ni Pacquiao matapos tiyakin na tuloy na tuloy na ang kanilang paghaharap ni Matthyse sa a-24 ng Hunyo sa Kuala Lumpur Malaysia.
Ayon kay Pacquiao, hindi pa sila nakapagpapasya kung sino ang kanyang magiging coach sa laban matapos na inanunsyo ng kanyang kampo na hindi kabilang si Freddie Roach sa kanyang training.
Gayunman sinabi ni Pacquiao na maayos pa rin ang relasyon nilang dalawa ni Roach.
Samantala, inamin naman ni Pacquiao na hindi niya nagustuhan ang unang plano ng promoter na si Bob Arum na lumaban siya bilang undercard sa laban ng mga boksingerong si Jeff Horn at Terence Crawford.
Ito ang paliwanag ni Pacquiao kaya kinuha niya ang alok ng malaysia na lumaban sa nasabing bansa sa ilalim ng Golden Boy Promotions.