Tinatayang 9,000 barangay chairmen ang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Interior and Local Government for Barangay Affairs Martin Diño na isang dating Barangay chairman, dalawang buwan bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Taliwas ito sa anunsyo ni Philippine Drug Enforcement Agency Director Aaron Aquino na halos 300 barangay officials lamang ang sangkot sa illegal drugs.
Binalaan ni Diño ang mga cabeza de barangay lalo ang mga kapit-tuko sa pwesto at sangkot sa iligal na droga na hindi na sila magtatagal sa posisyon dahil tiyak na kikilos ang Department of Interior and Local Government.
Awtomatiko aniyang sisibakin sa pwesto at kakasuhan ang mga barangay chairman na sangkot sa illegal drugs trade.