Sinalaula at binaboy umano ng mga dating maintenance provider sa ilalim ng Aquino Administration ang Metro Rail Transit-3 dahilan ng pagpalpak ng byahe ng mga tren nito kada-araw.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, natapos na ang pag-aaral ng Sumimoto Company sa kundisyon ng mga tren at bagon ng MRT at natuklasang mas malala ang mga ito sa kanilang inasahan.
Lahat anya ng kinuhang maintenance provider bukod sa BURI ay walang kakayahan at sapat na kapital para pangasiwaan ang pag-ma-mantina sa mga tren at riles maging sa signalling system ng MRT.
Bagaman naglaan ng pondo ang pamahalaan, pinagpiyestahan lamang ito dahil bumili ng mga bagong bagon na hindi naman magamit at hindi akma sa sistema at riles para tumakbo.
Ang Sumitomo Corporation ang dating service at maintenance provider ng MRT subalit inalis at pinalitan ito ng ibang kumpanya ng dating administration.