Triple ang itinaas ng mga hinihinalang kaso ng tigdas sa buong bansa.
Ito’y ayon sa Department of Health (DOH) kasunod na rin ng bumababang bilang mga nababakunahang bata laban sa tigdas.
Batay sa datos ng DOH, umaabot na sa mahigit 870 ang naitatalang kaso ng tigdas simula Enero 1 hanggang Pebrero 3.
Tatlong beses na mataas ito kumpara sa mahigit dalawang daan at siyamnapung (290) kaso na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Habang nasa labing dalawa (12) naman ang nasawi dahil sa tigdas na karamihan ay galing sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Soccsksargen.
Muli namang iginiit ng DOH na napipigilan ang pagkalat at pagkahawa sa tigdas sa pamamagitan ng bakuna.
—-