Natagpuan na ang labi ng tatlong crew kabilang ang dalawang Pinoy na nasawi matapos ang sunog sa isang barko sa Arabian Sea.
Nakita ang labi ng mga biktima sa ilalim na bahagi ng nasunog na Maersk Honam.
Naniniwala ang pamunuan ng Maersk Line na hindi nakaligtas ang crew members dahil sa matinding sunog sa barko.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Maersk Chief Operating Officer Soren Toft sa pamilya ng mga biktima.
Una nang kinumpirma ng John B. Lacson Foundation Maritime University na dalawa sa Ilonggo seafarers na nagtapos sa kanilang unibersidad ay nawawala mula sa nasabing insidente.
Kinilala ang mga ito na sina Engine Cadets John Rey Begaso at Janrey Genovatin.
Nailigtas naman ang isa pang Ilonggo crew ng barko na si Carl Vincent Chan kasama ang dalawampu’t isa (21) pang crew members na ginagamot na sa ospital.
—-