Target ng Department of Agriculture (DA) na matamnan ng hybrid rice ang may isang milyong ektaryang lupang sakahan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Alinsunod ito sa Masaganing Ani 200 Program ng ahensya.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, malaki ang maitutulong pagtatanim ng hybrid rice para maiangat ang rice productivity sa bansa.
Positibo si Piñol na maraming magsasaka ang tatangkilik sa hybrid rice na inaasahang magpapalaki sa kanilang ani at kita.
Ngayong taon, nagsimula na ang pag-ani ng hybrid rice sa Lubao Pampanga gamit ang SL8H super hybrid seeds na isinusulong ng DA.
—-