Tinatalakay na ng House Committee on Public Order and Safety ang panukalang naglilimita sa paggamit ng videoke at pagpapatugtog ng malakas simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi sa mga residential area.
Layunin ng panukalang batas na ini-akda ni Quezon Province 4th District Representtaive Angelina Tan na maiwasan ang hindi kanais-nais na ingay sa mga residential area at mahinto ang negatibong social at health effect ng mga nasabing aktibidad.
Kabilang sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng House Bill 1035, ang radyo, CD players, television sets, amplified musical instruments at loudspeakers.
Kahit anong okasyon ay papayagan lamang ang isang indibiduwal o grupo na gumamit o mag-operate ng mga nasabing equipment simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Samantala, pagmumultahin naman ng P1,000 o maaaring makulong ng hindi hihigit sa kalahating taon depende sa diskresyon ng korte ang sinumang lalabag.
—-