Aalisin na ng Social Security System (SSS) ang patakaran sa kanilang mga pensiyonado na kailangan pang magpakita taon-taon.
Ayon kay SSS President at CEO Emmanuel Dooc, ginagawa ito upang makumpirma na buhay pa ang tumatanggap ng pensyon.
Ngunit simula sa Nobyembre ay mga tauhan na nila umano ang magsasagawa ng verification procedure sa lahat ng kanilang mga pensiyonado.
Ipinabatid ni Dooc na 58.64 percent ng tinatayang 2.3 million pensioners nila ang makikinabang sa pag-amyenda sa kanilang Annual Confirmation of Pensioners Program o ACOP.
Nilinaw din ng opisyal na ang mga retirado na nasa ibang bansa, total disability pensioners, survivor pensioners at dependents ay kailangan na sumunod pa rin sa ACOP.
—-