Tinanggal na rin ni US President Donald Trump ang kanyang malapit at matagal nang personal aide na si John McEntee.
Sa gitna na rin ito ng isinasagawang imbestigasyon ng US Department of Homeland Security laban kay McEntee sa mga kinasasangkutan umano nitong financial crimes.
Kasunod naman nito, inanunsyo ni Trump na makakasama si McEntee sa magiging senior adviser for campaign operations sa kanyang reelection sa 2020.
Samantala, una nang tinanggal ni Trump si Secretary of State Rex Tillerson at ipinalit sa posisyon si CIA Director Mike Pompeo.
—-