Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagtakbo sa Senado ni Special Assistant to the President Bong Go sa 2019 elections.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ibibigay ng Pangulo ang suporta nito kay Go hanggang sa huli dahil naniniwala itong kayang-kaya nito ang trabaho sa lehislatura dahil sa lawak ng karanasan nito sa serbisyo publiko.
Sinabi ni Andanar na ngayong araw ilulunsad ng mga taga-suporta ni Go ang ‘Ready Set Go’ movement para himukin ang kalihim na tumakbo sa pagka-senador.
Dadalo aniya sa pagtitipon para magpakita ng suporta ang mga cabinet secretaries gaya nina Labor Secretary Silvestre Bello III, National Security Adviser Hermogenes Esperon, DFA Secretary Alan Peter Cayetano at iba pa.
“For me hindi siya maaga because we are still convincing him to run, it’s not a launch of a candidacy, it’s actually convincing SAP Bong to run for the Senate, ito naman ay initiative ng mga kaibigan, mga barkada, marami nang supporters diyan na sumasali, we’re not discouraging them, if they go then they can go.” Pahayag ni Andanar
(Ulat ni Aya Yupangco)