Patay ang halos 40 katao matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa Amhara Refion sa Ethiopia.
Kabilang sa mga nasawi ang dalawampu’t walong (28) lalaki at sampung (10) babae na pawang university students.
Sugatan naman sa insidente ang sampung (10) iba pa.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng aksidente.
Ayon sa report, malaking problema sa Ethiopia ang poor driving standards na dahilan kaya’t kabi-kabila ang namamatay sa mga road accident sa nasabing bansa.
—-