Kinuwestyon ng Philippine National Police-Criminal investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang desisyon ng Department of Justice na ibasura ang kaso laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa.
Ayon kay PNP-CIDG Director Roel Obusan, kumpiyansa sila sa mga ikinaso nila kina Espinosa at iba pang drug personalities.
Iginiit ni Obusan na imposible ring ma-dismiss ang lahat ng kasong kinakaharap ni Kerwin.
“Nag-file ako ng motion for reconsideration, why? because I believe I have my point, I have a case to go with kaya hindi namin tinatapos after the dismissal, we continue and aggressively push through kasi we believe we have a case. ‘Yung kay Kerwin Espinosa hindi pa papasok eh samantalang body guard niya mismo ang nagsasalita, na nag-uutos sa kanya, you have to treat every acts of the crime according to the person and the transaction committed, hindi dapat pagsama-samahin ang isa.” Ani Obusan
Dahil dito, plano ng CIDG na i-refile ang kaso at isama ang mga pag-amin ni Espinosa sa hearing ng Senado na isa siyang drug dealer.
“If we will go back to zero and allowed naman na mag-supplemental, we are open to that, and we are also thinking kung they are looking at the excerpts from the Senate hearing why not, puwede na naming ilagay para idiin pa ng konti.” Pahayag ni Obusan
—-